Anthony Hackett
District Representative/Policy Advisor
Si Anthony Hackett ay ipinanganak sa Long Beach, California. Ang kaniyang ama ay nagserbisyo sa Navy na naging dahilan kung bakit ang kanilang pamilya ay tumira pataas at pababa ng West Coast sa Estados Unidos. Ang kanilang pamilya ay lumipat sa ibang bansa sa iba’t ibang lokasyon sa Pacific Rim kasama na rito ang Hawaii, Japan, at Pilipinas. Si Anthony at ang kaniyang pamilya ay tumira sa Pilipinas ng ilang taon kung kaya’t mahusay siyang magsalita ng Tagalog. Pagkatapos ay bumalik ulit sila sa Southeastern area ng San Diego noong 1988. Si Anthony ay lumaki sa Lomita Village at Skyline na mga komunidad, kung saan siya nag-aral sa Audubon Elementary School, Keiller Middle School , at Morse High School. Pagkatapos, nag-aral siya ng kolehiyo sa Southwestern College sa Chula Vista at pagkatapos ay lumipat sa San Diego State University. Nakapagtapos siya noong Mayo 2008.
Noong 2011, si Anthony ay lumipat sa Mission Valley kung saan naging aktibo siya sa komunidad, kasama na rito ang pagsali sa Mission Valley Planning Group. Nagsimula si Anthony sa kaniyang trabaho sa City Hall sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa opisina ng dating Councilmember na si David Alvarez sa District 8. Doon, si Anthony ay nagserbisyo bilang isang representante sa komunidad at tagapayo sa patakaran kay Councilmember Alvarez. Noong 2020, si Anthony ay nagtrabaho kasama ang San Diego Housing Federation bilang isang policy assistant kung saan nalaman niya ang iba’t ibang abot-kayang mga patakaran sa pabahay.
Bumalik si Anthony sa City Hall, ngayon ay opisina ng District 7, bilang isang community representative at policy advisor. Si Anthony ay nagseserbisyo sa mga komunidad ng Mission Valley at Linda Vista at inaasikaso niya ang mga problema na may kinalaman sa pabahay, kasalukuyang transportasyon, imprastraktura at mga kagamitan sa ilalim ng lupa para sa Councilmember.